Saturday, February 5, 2011

Janice De Belen Nagtampo?


Balitang nagtampo ang actress na si Janice de Belen sa mga co-stars nya sa teleseryeng "Dwarf-Ana" kung saan isa sya sa mga bida. Di umano may mga eksena na gusto ng mga co-stars na gawin nya na ayaw naman nya at ng dahil dito nagtampo ang magandang actress. Ayon sa source mas gusto ni actress na mag-stick sa tambalan nila ng host na si Ricky Lo. Request ng ibang co-stars at ng bida ng teleserye bilang Dwarf-Ana na si Cristy Fermin na maghiwalay sila at sabay na salubungin ang mga fans na pumapasok subalit mas minabuti ng actress na mag-back up na lang kay Ricky Lo. Sa tingin ko naman ay maaayos din ang tampuhang ito dahil kahit may mga nabago na sa cast at may mga natanggal, ang pagpasok ni Jessica Jamero ang magbibigay daan para mas tumaas pa ang rating nito. Sa pagsama ni Jessica Jamero sa teleseryeng ito ay simula rin ng lovestory kasama ang secret admirer nya. Kaya wag magsasawang sumubaybay sa teleserye ng buhay ni Dwarf-Ana. Mapapanood pa rin ng live ang teleserye during weekdays from 4pm to 12 midnite at 4pm to 1am every weekends.

No comments:

Post a Comment